Tiwala sa Tibay ng Uratex

Mahigit isang taon na kaming kasal ng aking asawa na si Marjorie. Lumipat agad kami dito sa aming inuupahang bahay sa Quezon City pagkatapos ng aming kasal noong 2013.

Jonel & Marjorie Wedding
Jonel & Marjorie

Tulad ng maraming bagong mag-asawa, inumpishan namin itong bahay na walang laman na mga kagamitan. Ito ay naging tila isang bagong simula sa aming pinag-isang buhay, isang magandang paunang hakbang tungo sa kinabukasan na panghabang-buhay.

Lipat-Bahay

Lipat-Bahay
Lipat-Bahay

Bilang mga ordinaryong mamayan na sakto lamang ang pinansyal na kapasidad, napagkasunduan naming magasawa na praktikal na ipagsama muna ang aming mga lumang gamit at saka na lamang bumili ng bago kapag kinakailangan na.

Nagbukas rin kami ng mga regalo mula sa kasal upang hindi na kailanagn bumili pa kung mayroon na.

Sa kabutihang palad, may isa pa akong tito na nagregalo sa amin ng  kanilang lumang ‘dining set’ at isang king-size bed na nakatiwangwang lamang sa kanilang isang condominium sa Maynila.

Lumang Kama
Ito ang lumang kama na aming minana at ginagamit sa ngayon mula sa aming tito

Tibay na Maasahan

URATEX Quality
Tiwala sa Tibay ng URATEX

Likas sa aming pamilya ang pagiging praktikal, ang mamili nang mabuti ng mga bagay at gamit na di kamahalan pero maaasahan sa tibay at kalidad. Isa rito ang Uratex.

Bata pa lamang ako, naririning ko na ang aking ina at mga kamag-anak na ang sofa at kama namin ay galing Uratex.

Nakatira kami noon sa Del Monte Avenue na malapit sa Roosevelt at Baler kung saan matatagpuan ang Uratex Munoz sa Miller St.. Dito sila nagpapasadya at nagpapasukat ng mga foam para sa sofa at kama namin.

Masasabi kong lumaki ako sa kama naming Uratex kung saan nabuo ang tiwala ko sa tibay nito. Tunay na masasabi kong “#ITrustUUratex!

Maging ang aking asawa ay may lumang kutson na Uratex at kasama ito sa mga gamit na dinala sa aming bahay ngayon. Ngunit ito ay pang ‘single’ ang laki kaya ito’y aming ginawang “extra bed” para sa bisita.

Uratex Foam
Ang lumang “single size mattress” ng aking asawa na si Marjorie noong nasa Bulacan pa ito

Ang aming nilipatan ngayon sa Quezon City ay malapit lang din sa Uratex Munoz Quezon City showroom. Pinapangarap namin na isang araw, makakadalaw kami rito upang makapamili nang aming sariling kama na masasabi naming “amin”.

Uratex Muntinlupa
Uratex Muntinlupa Gate

Ulap sa Unan

Bilang mga tagapagtangkilik ng Uratex, kami’y nagalak nang kami ay maimbitahan sa Uratex Muntinlupa ‘plant tour‘.

Dito, nabisita namin ang “showroom” at natuklasan namin ang mga pasikot-sikot ng ‘foaming‘, ‘cutting‘, at ‘research and development’ ng kanilang pagawaan at kumpanya.

Isa sa mga pumukaw nang aming attention ay ang “Senso Memory Extrabed na nagbibigay ng “pressure-free sensation” at tulong sa “spine” – ang aming pangarap na kamang pang-magasawa!

Uratex Beds Showroom
“Uratex Premium Beds Showroom”

Bago kami umuwi at bumalik sa Maynila, pinabaunan kami ng Uratex ng tag-isang unan na isa sa kanilang pinaka bagong model at tinatawag na “Soft Escape”.

Uratex Pillows
Ulap sa Unan kasama ang “Soft Escape” ng Uratex

Sa tuwa namin, agad-agad namin itong ginamit kinagabihan. Napatunayan naming napakalambot nito at masarap tulugan – parang ulap. Ito ay gamit namin hanggang sa ngayon. 🙂

Aming pangarap bilang mag-aswa na darating ang panahon na hindi lamang ulap sa unan ang aming mararanasan kasama ang Uratex, kung hindi pati na rin ulap sa kama.

Jonel Uy

Jonel Uy is the hubby in the SeatForTwo.com tandem. Hailing from UP Diliman with a degree in Computer Science, he is also the Managing Director of #DigitalCircles.asia engaging and amplifying social media campaigns for brands. On Mondays, he teaches information technology classes at a local college.

One thought on “Tiwala sa Tibay ng Uratex

  • February 18, 2015 at 7:14 pm
    Permalink

    meron din kaming lumang Uratex sa bahay, hehe.

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *